Sulu

Matagumpay na narescue ng mga operating units ng 4th Marine Brigade sa probinsiya ng Sulu ang dalawang Indonesian kidnap victims mula sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ito ang kinumpirma ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana.

Ayon kay Sobejana nagsasagawa ng combat operations ang mga sundalo ng makasagupa ang teroristang Abu Sayyaf kaninang alas-5:00 ng madaling araw sa Sulu.

Ang nasabing sagupaan ay nagresulta sa pagkasawi ng isang teroristang Abu Sayyaf.

Kinilala ni Sobejana ang na rescue na dalawang Indonesian na sina Maharudin Lunani at Samion Bin Maniue.

Habang ongoing pa sa ngayon ang pag rescue sa isa pang bihag na Indonesian.

Sulu1

Batay sa datos ng militar tatlo pang Indonesian ang bihag ng teroristang Abu Sayyaf na dinukot sa triboundary ng Malaysia at dinala ng kanilang mga abductors sa may Barangay Dawis, Panamao,Sulu.