Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang indibidwal na pinaghihinalaang human trafficker sa Ninoy Aquino International Airport kamakailan.
Batay sa ulat ng BI, tinangka umami ng isang Pinay at Japanese national na ilabas ng bansa ang nasa 13 Filipinos patungo sa Japan.
Ayon sa ahensya , ang mga ito ay kaagad na itinurnover sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa pormal na imbestigasyon at paghahain ng kaukulang kaso.
Napigilan rin ng BI ang 13 na umano’y biktima ng human trafficking na makasakay sa isang flight patungo sa Nagoya, Japan .
Pinalabas umano ng mga ilegal recruiters nito na ang mga biktima ay isang technical interns para makakuha ng trabaho sa Japan.
Ang pag-aresto sa mga ito ay dahil sa isang tip mula sa Department of Migrant Workers dahil sa umano’y illegal recruitment activities.