
Ayon kay PNP-AKG director S/Supt. Glenn Dumlao, kukunin din nila sa SOCO team ang ilang personal na kagamitan ng dalawang kidnappers na posibleng mapagkunan ng mahahalagang impormasyon.
“Kukunin pa lang namin sa SOCO. Nasa kanila kasi mga personal belongings pati wallet etc.,” pahayag pa ni Dumlao.
Pahayag pa ni Dumlao, isinagawa ang operasyon matapos mapaulat na may dinukot ang nasabing grupo na isa ring Indian national na kinilalang si Lalit Kumar na pinatay din ng mga suspek kahapon.
Paliwanag pa ni Col. Dumlao, natagpuan ang bangkay ng biktima sa open canal sa boundary ng General Trias at Dasmarinas City, Cavite.
Bago ang operasyon, humihingi pa rin umano ng ransom na nasa P20 million ang mga suspek at bumaba ito ng P10 million hanggang sa naging P750,000 na lamang.
Ito na ang naging ugat para ilunsad ang operasyon ng mga otoridad sa bahagi ng Palanas Road sa Barangay Anabu 1G, Imus, Cavite.
















