Tila nasa final leg na ng kanyang paghahanda para sa Miss Universe coronation ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Rabiya butt 2
“Exciting week as this gorgeous lady will be representing the Philippines at the 69th Miss Universe pageant. Six days to go and she will be officially entering the hotel with contestants all over the world!”

Ito’y ayon kay Miss Universe Philippines creative director Jonas Gaffud, matapos ang pinakabagong photoshoot ni Rabiya suot ang sexy black outfit kung saan agaw-pansin ang T-back design kaya sumilip ang pwet nito.

Aniya, handa na ang 24-year-old half Indian beauty na tubong Iloilo na makasama ang iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

“Yes! It’s Hollywood, Florida and we are celebrating the 69th Miss Universe beauty pageant. Miss Philippines Rabiya Mateo is ready!” dagdag ni Gaffud.

Una nang inamin ng Miss Universe Philippines na ginawa na nitong dalawang beses sa isang linggo ang pagsasanay partikular sa question-and-answer portion dahil sa target goal na makapasok sa Top 5.

Umapela rin siya ng patuloy na suporta sa online voting na susi upang otomatikong makapasok sa Top 21.

Kabilang pa sa mga pinapraktis ni Mateo ang kanyang pag-make up sa sarili, gayundin ang “signature walk” para magamay niya ito kapag inirampa na ang swimsuit at evening gown.

Hindi pa naman nito tinukoy ang itatawag sa kanyang “signature walk,” gayundin ang detalye ng kanyang “mabigat pero sobrang ganda” na gown.

Kung maaalala, laging may mga bansag sa mga rampa ng mga nagiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe tulad ng ”pilapil walk” ni Venus Raj, ”tsunami walk” ni Shamcey Supsup,” at cobra walk” ni Janine Tugonon.”

Tinagurian naman bilang “tanim-bala walk” ang kay Pia Wurtzbach na naging pangatlong Pinay Miss Universe noong 2015, at “lava walk” kay Catriona Magnayon Gray na pang-apat na Pinay Miss Universe noong 2018.

Panghuling naging Binibining Pilipinas-Universe ay si Gazini Ganados na inirampa ang “phoenix walk” noong 2019.

Si Rabiya ang kauna-unahang kinoronahan sa ilalim ng hiwalay na Miss Universe Philippines.

Sa huling coronation bago sumiklab ang pandemya, nasungkit ng bansa sa pamamagitan ni Gazini Ganados ang Top 20 finish sa Miss Universe.

Sa ngayon ay halos isang linggo na lamang bago mag-check in mismo si Rabiya sa hotel venue ng 69th Miss Universe sa Florida, at dalawang linggo bago tatangkain masungkit ang pang-limang korona sa darating na May 17 (Manila time).