MOA1
-- Advertisements --

MOA

Arestado ang dalawang drug suspeks sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng PDEA MIMAROPA RSET maging ng Oriental Mindoro, Marinduque at Romblon Police Office nitong nakalipas na araw October 25, 2021 bandang alas-8:55 ng umaga sa may Barangay 76, MOA, Pasay City.

Nasabat sa mga suspeks ang isang kilo ng hinihinalang shabu na may market value na mahigit P6 million.

Nakilala ang mga naarestong drug suspeks na sina: Jake Hernandez, 21, at Lorieben Delos Santos, 18.

Ang narekober na iligal na droga ay nakasilid sa isang large heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu.

-- Advertisement --

Nahaharap sa kasong illegal drugs ang dalawang suspeks.