Patay ang dalawang hinihinalaang drug pusher matapos makaengkwentro ang mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Payatas-B, Quezon City pasado alas-3:00 ng madaling araw kanina.

Batay sa ulat ng pulis, bumili ang kanilang operatiba ng P1,000 halaga ng shabu mula sa dalawang suspek na kinilala lamang sa alyas na Job at Abies.

Nakatakda na sanang arestruhin ng mga pulis ang dalawa matapos magkabayaran ng pera ng bigla na lamang nagpaputok ang mga suspek at agad tumakas sakay ng motorsiklo.

Nakorner ng mga pulis ang dalawang suspek sa may Mangahan Subdivision at dito na napatay ang dalawa.

Napag-alaman na dalawang linggo ng minamanmanan ng mga pulis ang mga suspek matapos makatanggap na talamak ang bentahan ng shabu sa Payatas at Commonwealth.

Narekober sa posisyon ng dalawang suspek ang dalawang baril at siyam na sachet hinihinalang shabu.