BAGUIO CITY – Arestado ang dalawang drug personalities matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Shilan, La Trinidad, Benguet.

Nakilala ang mga itong sina Anelyn Esteban Ngayawen at Ibalson Cadangen.

Nakumpiska mula kay Ngayawen ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at ang nagamit na boodle money.

Sumunod na isinagawa ang search and seizure operation sa SUV na ginamit ng dalawa sa transaksiyon nila sa operatiba ng pulisya.

Natagpuan sa loob ng sasakyan ang isang purse ni Ngayawen na naglalaman ng 12 pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Kabuuang 43.7 na gramo ang bigat ng mga nakumpiskang iligal na droga na may street value na P297,000.

Sinabi pa ng pulisya na si Ngayawen ay reloaded bilang street level target habang si Cadangen ay reloaded bilang high value target ng mga otoridad.

Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.