LA UNION – Isinailalim na sa lockdown ang dalawang bayan sa La Union matapos makapagtala ng unang kaso ng Coronavirus 2019 o COVID-19.
Kabilang dito ang bayan ng Naguilian at Caba, La Union.
Una rito, nagpositibo sa COVID-19 ang mag-asawang Caba Mayor Philip Crispino at Sanguniang Bayan member Donna Crispino base sa public statement ng mga ito.
“It is with great sadness that we publicly announce that we are positive for the coronavirus disease 2019 (COVID-19) per DOH-RITM results as relayed by the DOH Center for Health Region 1.”
Bilang pagsunod sa mandato ng Department of Health, sila ay nag-self quarantine sa loob ng 16 araw kung saan nakitaan ang mga ito ng minor symtoms.
“We practiced self-protection measures but still we got contaminated with minor symptoms. This shows how easily the virus is spread. But thank God Almighty, we, Mayor Philip and Sanggunian Bayan Member Donna, are in very stable condition and in excellent health.”
Ang mag-asawang Crispino ang unang COVID-19 positive case sa buong Hilagang Luzon.
Patuloy naman ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mag-asawa.