-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagiging kontento ang MalacaƱang kaugnay sa unang araw ng implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila.

Alas-12:00 ng hatinggabi kanina nang pormal na magsimula ang community quarantine sa National Capital Region, sa layuning mapigilan ang kumakalat na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa isang panayam, inihayag ni presidential spokesperson Salvador Panelo na “maganda ang implementation” kung saan mangilan-ngilan lang ang napansin nitong tao sa mga lansangan.

“Sa ngayon nakikita ko maganda ang implementation pati yung koordinasyon ng tao nakikita mo. Makikita mo kanina hanggang ngayon, walang katao-tao. Motorsiklo lang ‘yata ang nakita ko kanina,” saad ni Panelo.

Ibig sabihin lahat ng tao, talagang nakita nila ang kalagayan natin. Alam nila na ang layunin ng lahat ng ginagawa ni Presidente ay para sa ating lahat. Samakatuwid, napakahalaga na tayo’y manatili sa bahay muna,” dagdag nito.

Kasabay nito, muling iginiit ni Panelo na iba ang ipinapatupad na community quarantine sa Martial Law kahit pa nakadeploy ang mga sundalo at pulis.