-- Advertisements --
Nadagdagan ng 19,271 ang bilang ng COVID-19 infections sa Pilipinas, dahilan para umakyat din ang active cases sa 178,196.
Ayon sa Department of Health (DOH), sa ngayon ang kabuuang bilang ng COVID-19 caseload sa bansa ay aabot na sa 2,366,749.
Sa naturang bilang, 178,196 ang active cases, kung saan 92.3 percent ang mild, 3.1 percent ang asymptomatic, 2.6 percent ang moderate, at 0.6 percent ang cricital condition.
Samantala, ang total recoveries naman ay umakyat sa 2,151,765 makalipas na 25,037 pang pasyente ang gumaling sa sakit.
Pumalo naman sa 36,788 ang death toll dahil sa nadagdagan ito ng 205 na bagong fatalities.