Nasa 19 na mga Pari at seminarians sa Ateneo Jesuit residences sa Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa ulat na nakuha ng Bombo Radyo, 14 na foreign seminarians ang nag positibo sa Covid-19 sa Arrupe International Residence habang dalawang pari at dalawang Pilipinong seminarians ang nagpositibo din sa virus sa Loyola House habang isang seminarian naman ang nag positibo sa Jose Seminary.
Kasalukuyang naka lockdown ngayon ang apat na Jesuit residences dahil sa Covid-19 outbreak.
Pansamantala umanong sinuspinde ang pagdarasal at iba pang religious activities sa mga nasabing residences.
Napag-alaman na ang mga pari at seminarians na nagpositibo sa Covid-19 ay mga symptomatic at bakunado na rin ang mga ito.
Ang Ateneo de Manila ay mayruong sariling isolation facility at laboratory kung saan maaaring maproseso ang RT-PCR test.