CENTRAL MINDANAO-Pagod na sa pakikibaka laban sa gobyerno at gusto nang mamuhay ng mapayapa ng labing siyam (19) na mga myembro ng New Peoples Army (NPA) na sumuko sa militar sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Sumuko ang mga rebelde sa pwersa ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army sa ilalim ng 6th ID,39th IB ng 10th ID at Sultan Kudarat PNP.

Dala ng mga NPA sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas,pampasabog,mga bala at Magazines.

Pinangunahan ng isang Ka Osting ng Guerilla Front Committee 73 ng NPA na kumikilos sa probinsya ng Sultan Kudarat,North Cotabato,Davao Del Sur at South Cotabato.

Nakatanggap naman ng tulong na pinansyal ang mga rebelde mula kay Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu at livelihood Assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

Nanawagan naman sina 6th ID Chief,Major General Cirilito Sobejana at 10th ID Chief,M/Gen Jose Faustino sa mga NPA na nagtatago pa sa bundok na sumuko na habang hindi pa huli ang lahat at magbagong buhay kasama ang kanilang mga mahal na pamilya.