CEBU CITY – Isinailalim na sa self-quarantine ang 19 na turista mula South Korea sa loob ng kani-kanilang mga hotel rooms sa Cebu.
Kaugnay nito, patuloy na mino-monitor ng Department of Health (DOH)-7 ang nasabing mga bisita mula sa Daegu City, sa South Korea, upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Napag-alamang dumating ang 26 na Korean nationals sa Mactan-Cebu International Airport noong Pebrero 25, isang araw bago idineklara ng gobyerno ang travel ban sa naturang bansa.
Pero ayon kay DOH-7 director Dr. Jaime Bernadas, nahirapan sila sa pag-trace sa kinaroroonan ng pitong Korean nationals sa Cebu.
Dahil dito, humingi ng tulong ang ahensya sa Cebu Provincial Police Office at sa Korean Consulate upang mahanap ang mga turista mula sa Daegu City.
Kung napatunayang may pagsisinungaling umano sa kanilang health declaration card, ibabalik naman ang mga ito sa South Korea.