-- Advertisements --

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong araw na 18 lugar sa bansa ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na sobra sa regulatory limit.

Sa kanilang latest shellfish bulletin, sinabi ng BFAR na lahat ng uri ng shellfish at acetes, o mas kilala bilang alamang, mula sa mga susunod na lugar ay hindi ligtas para kainin:

Coastal waters ng Zumarraga sa Western Samar
Villareal Bay sa Western Samar
Cambatutay Bay sa Western Samar
Carigara Bay sa Leyte
Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte
Lianga Bay sa Surigao del Sur
Coastal waters ng Hinatuan, Surigao del Sur
Bislig Bay sa Surigao del Sur
Balite Bay sa Davao Oriental
Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte
Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental
Coastal waters ng Dauis atTagbilaran City sa Bohol
Ormoc Bay sa Leyte
Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan
Coastal waters ng Leyte, Leyte
Coastal waters ng Calubian in Leyte
Coastal waters ng Biliran Islands
Coastal waters ng Daram Island sa Western Samar

Pero, sinabi naman ng BFAR na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta sariwa at nahugasan ng husto ang mga ito habang naalis naman bago lutuin ang mga laman loob nito tulad ng mga hasang at bituka.