Ipinag-utos ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde ang pagsibak sa pwesto sa 18 intelligence operatives ng Cebu Police Provincial Office na sangkot sa ikinasang hot pursuit operations na nag resulta sa pagkasawi ni Police Corporal Feliciano Yballe Jr.

Sa pakikipag-ugnayan kay Albayalde kaniyang sinabi na pinasibak niya sa pwesto ang mga sangkot na pulis kabilang ang kanilang opisyal na nanguna sa operasyon.

Ayon sa heneral, inatasan niya si PRO-7 regional police director PBGen. Debold Sinas na ipatupad ang relieved order para bigyang daan ang isasagawang impartial investigation.

Si Yballe ay nasawi sa loob ng kaniyang mismong bahay sa Sudlon 1,Cebu City madaling araw nuong May 1 matapos makipagsagupaan sa mga tauhan ng Cebu Provincial Intelligence Branch.

Mariin namang itinanggi ni Sinas na si Yballe ay suspek sa pagpatay kay Police Master Sergeant Junard Cinco na pinatay noong April 30 sa Toledo City.