Inaasahang dadami pa ang makakabyaheng eroplano sa mga susunod na araw, habang sinisikap ng gobyerno at airline companies na ma-decongest ang paliparan at pending schedules.

Sa kasalukuyan, 18 porsyento pa lang ng domestic flights ang pinapayagang makaalis, habang 10 porsyento naman sa international flights.

Ayon kay Philippine Airlines (PAL) spokesperson Cielo Villaluna sa panayam ng Bombo Radyo, maaaring hindi agad makabalik na normal schedule, ngunit sinisikap raw nilang unti-unting makahabol.

Pangunahing konsiderasyon dito ang kapasidad ng mga destinasyon na tumanggap ng mga dumarating na byahe.

Kabilang sa requirements ang pasilidad para sa screening ng mga posibleng may COVID-19 at ang pagdadalhan sa kanila, lalo na kung may malubhang kondisyon.

Ngayong araw, may apat na sweeper flights na patungo sa Visayas at Palawan.