-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY-Mas hinigpitan pa ang ipinapatupad na health protocols sa loob ng Lumbia City Jail dahil sa mga bilanggo na tinamaan ng COVID-19.
Itoy matapos panibagong 18 na mga priso ang nagpositibo sa coronavirus.
Sinabi ni epidemiologist Dr Joselito Retuya na malaki ang tsansa ng magkahawaan ang mga priso sa infirmatory building na nagsisilbing holding area.
Sa kabila nito, mayroon namang mga bilanggo na nag negatibo sa swab test laban sa nakamamatay na virus.