Nasa 17 katao ang patay habang tatlo ang nasugatan matapos ang pagsalpok ng sinakyan nilang bus sa signoboard sa Dubai.

May kabuuang 31 pasahero ang Oman-registered bus na Mwasalat vehicle na nagdadala ng mga pasahero mula Dubai at Muscat ng maganap ang aksidente sa kahabaan ng Sheikh Mohamad bin Zayed Road.

Hindi naman matiyak ng mga kapulisan sa lugar ang naging sanhi ng aksidente.

Dinala sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Humingi naman ng paumanhin ang Oman government-owned bus company sa mga pamilya ng nasawing biktima at nagbigay din ng tulong ang mga ito.