-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 17 ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pinkahuling datos mula sa PNP Health Service, umakyat na sa 231 ang kabuuang numero ng mga miyembro ng PNP na dinapuan ng deadly virus.

Pawang nakatalaga umano ang naturang mga pulis sa Metro Manila.

Narito ang pagkakakilanlan ng naturang mga pulis:

54-anyos na pulis mula Rizal;
53-anyos na pulis mula Pasig City;
50-anyos na pulis mula Baguio City;
47-anyos na pulis mula Quezon City;
47-anyos na pulis mula Caloocan City;
39-anyos na pulis mula Mandaluyong City;
35-anyos na pulis mula from Taguig City;
34-anyos na pulis mula Taguig City;
34-anyos na pulis mula Parañaque City;
33-anyos na pulis mula Quezon City;
33-anyos na pulis mula Manila;
32-anyos na pulis mula Las Piñas;
32-anyos na pulis mula Caloocan City;
31-anyos na pulis mula Quezon City;
27-anyos na pulis mula Manila;
27-anyos na pulis mula Quezon City; at
25-anyos na pulis mula Manila.

Gayunman, may isa namang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa kinatatakutang sakit, dahilan para lumobo pa ang total number sa 67.

Nananatili namang apat ang bilang ng mga nasawing pulis.

Sa nasabing mga kaso, 116 pasyente ang nananatili sa mga quarantine facilities, apat sa mga ospital, at 35 ang sumasailalim sa home quarantine.

Samantala, 687 police personnel ang itinuturing na Probable Persons Under Investigation habang 536 ang Suspected Persons Under Investigation.