Nakipag partner si Parañaque Representative-elect Brian Raymund Yamsuan sa private sector para dalhin sa Parañaque ang tinatawag na “culture of financial literacy”na layong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga benepisyaryo na nabibigyan ng livelihood na tulong mula sa pamahalaan.
Sa isang pahayag sinabi ni Yamsuan, magiging prayoridad niya ang financial literacy program.
Naniniwala ang Kongresista na mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga beneficiaries na
nakakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan ng sa gayon maging responsable ang mga ito para hindi mauwi sa wala.
Kabilang sa mga sasailalim sa financial literacy program ay ang mga recipients sa mga prohgrama ni Yamsuan na “Bigay Negosyo” and “Dagdag Puhunan Para sa Kabuhayan” programs sa pakikipag tulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Inihayag ng Kongresista na ang layunin ng kaniyang hakbang ay maging ‘wais’ sa paghawak ng kanilang pera, simula sa Distrito Dos.
Sinabi ni Yamsuan na kasama sa financial literacy program ay ang pagtuturo kung paano mag-budget, mag-ipon, mag-invest, humiram ng karagdagang pondo at magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga financial products and services na maari nilang gamitin para mapalago ang kanilang maliit na negosyo.
Dagdag pa ng Kongresista, balak din niyang isama sa programa ang mga beneficiaries ng “ayuda.”
Binigyang-diin ni Yamsuan na kada taon ang gobyerno ay naglalaan ng pondo sa ilalim ng national budget para pondohan ang livelihood programs o ‘ayuda’ sa mga low-income na mga kababayan natin.
Ipinunto din ng mambabatas na kapag financially literate ang isang inbidwal hindi ito basta basta mabiktima ng mga scam.
Siniguro naman ni Yamsuan na muli nitong isusulong sa 20th Congress ang panukalang batas na mag institutionalize sa financial literacy programs for workers.