Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel na pinagana na nito ang kanilang Crisis Management Team para tumugon sa pangangailangan ng mga Pilipino na apektado ng kaguluhan sa pagitan ng Iran at Israel.
Ito ay pinangunahan mismo ni Ambassador Aileen Mendiola .
Layon ng hakbang na ito na matutukan ang mga development hinggil sa lumalalang tensyon sa dalawang bansa.
Kung maaalala, naglunsad ng pag-atake ang Iran sa Israel na agad namang tinugunan nito ng paglulunsad ng hakbanging militar.
Dahil dito ay lalo namang lumaki ang pangamba sa kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino na namamalagi at nagtatrabaho sa lugar .
Kaugnay nito ay tiniyak ni Ambassador Mendiola na hindi sila titigil sa pagsasagawa ng koordinasyon sa mga awtoridad ng Israel at maging sa mga otoridad sa Pilipinas para sa agarang tulong kung kinakailangan.
Hinikayat rin nito ang mga Pinoy na tumalima sa mga panuntunan ng IDF Home Front Command at tumutok sa mga abiso ng kanilang Embahada.