-- Advertisements --

Patay ang 17 katao matapos ang airstrike ng Russia sa prison facilities.

Sugatan din sa insidente agn 42 katao dahil sa pag-atake na naganap sa Zaporizhzhia.

Dahil sa insidente ay nasira ang mga katabing bahay at gusali.

Ayon kay regional leader Ivan Fedorov na naglunsad ang Russia ng walong high-explosive aerial glide bombs.

Kinondina naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang ginawang ito ng Russia sa correctional facility.

Ang Zaporizhzhia kasi ay isa sa apat na eastern regions ng Ukraine na inaangkin ng Russia.