-- Advertisements --
Pumalo na sa 17 katao ang nasawi sa Taiwan at China dahil sa pananalasa ng bagyong Ragasa ang bagyong dumaan sa Pilipinas na tinawag na si “Nando”.
Halos mahigit dalawang milyong katao rin ang pinalikas sa southern China.
Ilang katao rin ang naitalang nawawala matapos ang pag-apaw ng tubig sa lawa.
Naibaba na mula sa super typhoon at naging severe typhoon na ang Ragasa na mayroong lakas ng hangin na 241 kilometers per hour na naitala sa Taishan county sa Guangdong province.
Patuloy ang ginagawang pag-rescue ng mga otoridad sa mga residenteng umakyat sa bubong ng kanilang bahay dahil sa pagbaha.
Magugunitang nagtala rin ng damyos sa Pilipinas at Hong Kong ang bagyong Ragasa o Nando sa Pilipinas.