Reading Time: 1 minute
Arcabos taekwondo butuan
Taekwondo champ Timothy John Arcabos

BUTUAN CITY – Magiging representante ng Pilipinas para sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) ASEAN Taekwondo Championships na gagawin sa Jordan sa susunod na buwan ang 17-anyos na si Timothy John Arcabos, na taga-Brgy. Ampayon at nagtapos sa Agusan National High School.

Ito ay matapos siyang magkampeon sa 14th Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Taekwondo Federation Championships na isinagawa sa Mall of Asia sa Metro Manila.

Nakalaban ni Arcabos ang mga taekwondo jins mula Singapore, Vietnam, Cambodia, Malaysia at Myanmar at kanyang nakuha ang gold medal para sa featherweight under 55 category.

Dahil sa kanyang tagumpay ay magiging scholar at varsity na ito sa Far Eastern University (FEU) at aktibo na miyembro na siya ng University Athletics Association of the Philippines (UAAP).

Una nang naging gold medalist at naging MVP si Arcabos noong Setyembre nitong nakalipas na taon.

Sa ngayon naghahanda na si Arcabos para sa kanyang laban sa Jordan sa Hulyo 20-23.