ben simmons points dribbles
Ben Simmons/ Photo courtesy of NBA

Nag-alok ang Philadelphia 76ers ng limang taon sa halagang $168 million maximum contract para sa extension ng point guard na si Ben Simmons.

Sa ulat ng ESPN posible umanong maplantsa na ng team at agent ni Simmons na si Rich Paul ang iba pang detalye ng kontrata.

Si Simmons, na mag-23-anyos na ngayong buwan ay una nang naging bahagi ng firt All-Star team noong 2018-19 season.

Ang 6-foot-10 Australian ay naging No. 1 overall pick noong 2016 NBA Draft at napili pa ito bilang NBA Rookie of the Year noong 2017-2018.

Nag-average ito ng 16.9 points, 8.8 rebounds, 7.7 assists at 1.4 steals.