Inaabangan na ang pagdating ngayong araw ng kabuuang 167 stranded at distressed Filipinos mula sa Macau sa pamamagitan ng isang chartered flight.
Kabilang sa iuuwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang nasa 137 undocumented at irregular Filipino workers, gayundin ang 30 OWWA members.
Ang mga kababayang sakay ng special Air Macau flight ay inaasahang darating mamayang 4:30 ng hapon sa NAIA Terminal 1.
Nakipag-ugnayan na rina ng DFA sa Department of Health (DOH) para matiyak na lahat ng mga kababayang iuuwi mula Macau ay walang sintomas ng 2019 coronavirus (COVID-19), pero kung may magpakita ng sintomas, agad silang dadalhin sa isang medical facility para sa kaukukang imbestigasyon at gamutan kung kinakailangan.