-- Advertisements --

Dumating na sa NAIA Terminal 1 ang halos 200 Pinoy mula Macau na ni-repatriate ng pamahalaan dahil sa mga kaso ng novel coronavirus disease (COVID-19).

Pasado alas-4:00 nitong hapon nang lumapag ang special chartered flight ng Air Macau sakay ang 163 na magkakahalong OFW, turista at mga miyembro ng OWWA.

Ayon sa Department of Health (DOH) agad susuriin ang lagay ng Pinoy repatriates bago pauwiin sa kani-kanilang mga tahanan.

Hindi na kasi dadalhin sa quarantine facility sa New Clark City ang mga ito, dahil isasailalim lang sila sa home quarantine.

Pero kung sa NAIA pa lang daw ay may makikitaan ng sintomas ay dadalhin sila sa ospital para ma-isolate hanggang makumpirma kung negatibo sa COVID-19.