-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Pagod na umano at gustong mamuhay nang mapayapa kaya sumuko sa militar ang 16 na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sultan Kudarat.
Ang mga rebelde ay nagmula sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Palimbang.
Sumuko ang mga terorista sa tropa ng 37th Infantry Battalion sa ilalim ng 603rd Brigade Philippine Army.
Nangako naman ang Palimbang-local government unit na magbibigay ng pinansyal at livelihood assistance sa mga sumukong NPA.
Samantala, nagpasalamat si 6th Infantry (Kampilan) division chief, Major General Diosdado Carreon kay Palimbang Mayor Joenime Kapina at Vice Mayor Amil Pangansayan na tumulong sa militar sa maayos na pagsuko ng mga rebelde.
















