NCRPO chief Debold Sinas
NCRPO chief Debold Sinas

Pinasisibak na sa pwesto ni NCRPO Chief Brig Gen Debold Sinas ang pagsibak sa 16 na pulis na nakatalaga sa New Bilibid Prison (NBP) dahil sa pagpupuslit ng mga kontrabando.

Ayon kay Sinas, ang relieved order ay para hindi makaapekto sa ginagawang imbestigasyon.

Bukas inaasahan ni Sinas na mag-isyu ng final evaluation ang NCRPO’s Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) na nag iimbestiga sa nasabing kaso.

Bibigyan rin ng pagkakataon ang mga akusadong pulis na magsumite ng kanilang counter affidavit.

Sa ngayon mananatili muna ang mga sinibak na pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Section.

Binawi na rin sa kanila ang inisyung firearms ng PNP.

Matatandaang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of correction na ipinupuslit ng 16 na pulis na ito ang ilang kontrabando katulad ng alak at sigarilyo para ibigay sa ilang inmates sa NBP.