-- Advertisements --

Karagdagang 152 pang mga Pilipino sa ibayong dagat ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahilan para umakyat ang kabuuang bilang sa 1,337.

Sa pinakahuling tala mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), karamihan sa panibagong mga COVID-19 patients na Pinoy sa ibang bansa ay nagmula sa Middle East.

Sa 1,337 kaso, 825 rito ang sumasailalim na sa gamutan; 328 ang gumaling na o na-discharge na sa ospital; at 184 ang namatay.

“For the past month, an increasing trend of confirmed cases has been noted with an average of 37 cases per day, while there is a steady rate of recoveries and deaths at 7 and 5 cases per day, respectively,” pahayag ng kagawaran.

Nasa 43 bansa o mga international regions na rin ang nakapagtala ng Pinoy na nagpositibo sa deadly virus.

“In terms of regional data, most of the confirmed cases are among our OFs (overseas Filipinos) in the European region, highest number of recoveries were reported in Asia and the Pacific, and most cases of fatalities are in the Americas.”