-- Advertisements --

ILOILO CITY – Wala pang natanggap na impormasyon ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na na-stranded sa Metro Manila kung kailan sila makakauwi ng Iloilo.

Ito ay matapos na hindi natuloy ang flight ng 150 na mga OFW na nakatakda sanang umuwi ngayong araw.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ivy Porras Cabillon, nagtatrabaho sa isang cruise ship at isa sa mga na-stranded na OFW, sinabi nito na sa ngayon pansamantala silang naninirahan sa isang hotel sa Binondo, Metro Manila mula noong umuwi sila galing Abu Dhabi.

Ayon kay Cabillon, sumailalim sila sa 14 days quarantine at umaasang makakauwi ngayong araw matapos niyang mabalitaan na may unang batch ng mga OFW na makakasakay ng barko galing ng Cebu na nasa Iloilo.

Ani Cabillon, walang nakitang problema sa kanilang kalusugan matapos ang kanilang 14 days na quarantine dahil ang mahalaga ang siguradong negatibo siya sa Coronavirus disease 2019 (Covid-19).