Hindi bababa sa 15 katao ang patay habang 60 ang sugatan sa naganap na airstrikes sa northwest Syria.

Naganap ang nasabing airstrike matapos ang napagkasunduang ceasefire agreement sa probinsiya na epektibo noong Enero 12.

Naganap ang insidente sa palengke at industrial zone ng Idlib City kung saan may ulat na natabunan pa ng mga gumuhong pader ang mga biktima.

Isinisi ang airstrike sa Russia na hindi nirespeto ang peace agreement nila ng Syria.