Ipinaliwanag ng dating mahistrado na sapat na ang 15 boto ng mga senador-judge para ma-impeach si Vice President Sara Duterte sakaling ituring ng pugante si Senador Ronald dela Rosa.
Ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna, kahit na hindi pinayagan ang mga senador na makibahagi sa nalalapit na impeachment trial sa Hulyo 6, kabilang pa rin sila sa bilangan ng boto na minamandato ng konstitusyon na two-thirds o 16 na boto para ma-convict ang Bise Presidente.
Subalit, ikinatuwiran ni dating Justice Azcuna na maaaring ma-exempt si Dela Rosa mula sa bilang kung siya ay ituturing bilang isang pugante, na katumbas aniya ng “constructuve resignation.”
Sa kasalukuyan nga ay nagtatago pa rin si dela Rosa kasunod ng inisyung arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.
Nauna nang pinangalanan si dela Rosa bilang isa sa umano’y co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa umano’y libu-libong pagpatay sa ilalim ng war on drugs.
















