Pansamantalang nakalaya ang 14 na opisyal at kawani ng barangay Tubod sa bayan ng Barili Cebu matapos inisyuhan ang mga ito ng warrant sa korte kaugnay sa umano’y anomalya ng pamamahagi sa Social Amelioration Program(SAP).
Ito’y dahil umano sa mga hindi kwalipikadong nakatanggap ng SAP cash subsidy mula sa Department of Social Welfare and Development(DSWD) kung saan kabilang sa nahaharap sa kaso ang isang brgy. Kapitan, 7 konsehal, at 6 na barangay health workers.
Sinabi ni Barili Mayor Julito Flores na inilabas ang nasabing warrant noong Martes ngunit kahapon ng madaling araw ay nagtungo ang mga ito sa tanggapan ng Alkalde at sinamahan sila sa pulisya upang kusang sumuko.
Kahapon lang din ng nakapagpyinsa ang nasabing mga opisyal.
Nakatakda naman ang kanilang arraignment sa Nobyembre 5, 2020 kung saan si Atty. Eddie Barrita ang kanilang abogado.