-- Advertisements --

Nasa 100 na mga Noche Buena items ang hindi nagbago ng kanilang presyo habang anim ang nagbawas ng presyo nila.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) ito ay base sa inilabas nilang listahan sa nasa 200 ng mga produkto na kadalasang binibili tuwing kapaskuhan.

Paliwanag ng DTI na ang ilang mga produkto ay nagtaas ng presyo dahil tumaas din ang presyo ng mga sangkap nito.

Karamihang nagbawas ng presyo ay ang mga keso de bola at mga hamon.

Ang listahan ng Noche Buena ay ipapaskil ng DTI sa mga pangunahing pamilihan sa bansa.