BUTUAN CITY – Nadagdagan na naman ang kaso sa Covid-19 sa Caraga.
Inanusiyo ni Dr. Jose Llacuna jr, Regional Director sa Department of Health o DOH-Caraga na natanggap nila ang 126 RT-PCR Results galing sa GeneXpert TB Reference machine sa Molecular laboratory sa may Butuan Medical Center at Southern Philippines Medical Center.
Sa nasabing bilang, 112 ang negatibo habang 14 ang positibo.
Sa mga negatibo na resulta, nanggaling ito sa 6 na suspected cases na nasa Butuan Doctors Hospital, Maternity Hospital at Adella Sierra Ty Medical Center; 22 ang probable cases galing sa Surigao Del Sur Quarantine Facilities; at 84 ang mga highly risk individuals na may close contact sa naunang positibo sa virus.
Samantala, sa 14 na positibo, 9 nito ay nasa edad 20-anyos hanggang 40 anyos; 18-anyos ang pinakabata at 60-anyos ang pinakamatanda.
Sa nasabing bilang, 10 ang lalaki at 4 ang babaye kung saan isa ang Returning Overseas Filipinos o ROF; 5 ang Locally Stranded Individuals o LSI; 5 ang may close contact sa nagpositibo sa virus at 3 ang local transmission sa Butuan City na isa nito ang health care worker.
Ang mga bagong positibong kaso nanggaling sa Santiago, Agusan Del Norte na may 2; Prosperidad-1; Tandag City-1; Bislig City-1; at Butuan City-9.
Sa mga positibong kaso, 8 nito ang asymptomatic na nasa iba’t ibang quarantine facilities para sa monitoring habang anim angi nagpapakita ng mild symptoms dahilang na-admit sa mga ospital sa Caraga.
Sa kasalukuyan, ang kaso sa Covid-19 sa Caraga ay tumaas na sa 469 kung saan 334 ang nakarekober na, 127 ang nanatiling aktibong kaso at 4 ang napatay.