CENTRAL MINDANAO – Balik Pilinas, balik hanapbuhay ang handog ng OWWA sa 13 mga hindi pinalad na OFW ang tumanggap ng ayuda mula sa Oversees Workers Welfare Administration (OWWA-12).

Mismong si Regional Director Marilou Sumalinog ang nag-abot ng kani-kanilang ayuda.

Ang bawat isa ay tumanggap ng tseke na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P20,000.

Humingi naman ng paumanhin siSumalinog sa matagal na paghihintay ng mga OFW na nag-apply sa nasabing programa.

Samantala, nagpaabot din ng pasasalamat si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa pamamagitan ni Municipal Administrator Ben Guzman.

Sa mensahe ng alkalde, siniguro nito na katuwang ang lokal na pamahalaan sa mga programa ng OWWA para sa mga OFW ng Kabacan.

Nagpasalamat din si Sumalinog sa alkalde at siniguro din na mas pagagandahin pa ng OWWA 12 ang kanilang serbisyo sa bawat KabakeƱong OFW.