DAGUPAN CITY – Nahaharap ngayon sa kasong rape ang isang 25-anyos na tricycle driver matapos nitong gahasain ang isang 13-anyos na estudyante na papasok na sana sa paaralan sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan sa Dagupan City Police Station, tubong Calasiao, Pangasinan ang biktimang estudayante.

Sumakay umano ng tricycle ang biktima para pumasok sa kanyang paaralan ngunit ang suspek ay nag-iba ng ruta at dinala ito sa isang fishpond at doon mismo siya ginahasa ng sa loob ng tricycle.

Matapos ang pangyayari ay iniwan na lamang ang biktima sa Lucao District, Dagupan City.

Samantala, nahuli naman ang suspek na kinilalang si Rowel Pertierra, residente sa Malabago, Calasiao na agad namang itinuro ng biktima at ng kapatid nitong nakakita kung saan sumakay ang biktima.