Mas mababa kumpara nitong nakalipas na Martes ang naitala ngayon ng Department of Health (DOH) na mga dinapuan ng COVID-19.
Ito ay makaraang iulat ng DOH ang 12,805 na karagdagang kaso ng coronavirus sa bansa.
Kaugnay nito ang mga nahawa sa virus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay nasa 2,535,732.
Ang mga aktibong kaso naman ay nasa 132,339.
Marami rin naman ang mga bagong gumaling ngayon na umaabot sa 12,236.
Ang kabuuang gumaling sa bansa ay nasa 2,365,229 na.
Gayunman merong 190 na bagong mga namatay.
Ang death toll sa bansa bunsod ng deadly virus ay nasa 38,164.
Habang mayroon lamang isang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Nilinaw ng DOH na ang mababang bilang ng COVID-19 cases na naitala ay resulta ng mababang laboratory output nitong nakalipas na Lunes.
“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 27, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa rin ng DOH advisory.