-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi naapektuhan ng bagyong Crising ang pamamahagi nila ng murang bigas.

Ayon sa DA na mayroong sapat na suplay ang National Food Authority (NFA) na mga bigas nakatakdang ibenta sa P20 kada kilo.

Bago pa lamang aniya dumating ang bagyo ay napaghandaan ng NFA na bantayan ang mga warehouses na dadaanan ng bagyo.

Dahil dito ay magpapatuloy ang pamamahagi ng NFA ng mga murang bigas.