dead iloilo1

(Update) Umakyat na sa 12 ang patay at apat ang missing sa tatlong mga motorbanca na magkasunod na tumaob sa baybayin sa pagitan ng Iloilo at Guimaras nitong hapon ng Sabado.

Bandang alas-dose ng tanghali, tumaob ang dalawang de- pampasaherong motor boat na may rutang Iloilo-Guimaras vice versa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay deputy commander Senior Chief Petty Officer Albino Rodriguez ng Philippine Coast Guard-Iloilo Station, sinabi nito na mula sa Iloilo patungong Jordan, Guimaras ang dalawang motorbanca nang lumubog.

Tinatayang nasa 43 na mga pasahero ang sakay ng Chi-chi at apat na mga crew naman ang sakay ng Keziah.

Inabutan umano ng malakas na hangin at saka hinampas ng malalaking alon ang dalawang bangka dahilan upang tumaob ang mga ito.

Nasagip naman ang tinatayang nasa 32 na mga pasahero kabilang na ang mga crew ng dalawang bangka.

iloilo dead

Samantala, makaraan lang ang dalawang oras, tumaob din ang de-pampasaherong motorbanca na Gene Vince na may lulang 30 mga pasahero at may rutang Iloilo- Buenavista, Guimaras vice versa.

Sa ngayon habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ang rescue operation na ginagawa ng Philippine Coast Guard Iloilo sa area.