Nagpakitang-gilas ang Gilas Pilipinas matapos nitong talunin ang Jordan, sa iskor na 82-81, sa isang dikdikang overtime matchup sa FIBA Basketball World Cup 2027 Asian Qualifiers Window 4 nitong Biyernes, Agosto 28, na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay.
Tabla sa 72-71 ang dalawang koponan sa huling quarter ng laro, ngunit nakahanap ng paraan ang Pilipinas na maungusan ang Jordan sa overtime upang masungkit ang panalo.
Nanguna si Kai Sotto sa Gilas na may double-double na 18 puntos at 14 rebounds nagdagdag naman si CJ Perez ng 16 puntos, habang parehong may 14 puntos sinaKevin Quimbao at Dwight Ramos.
Sa kabila ng matinding laban, nanatiling matatag ang Gilas at naipreserba ang isang puntos na kalamangan hanggang sa matapos ang laro.
Matapos ang panalo kontra Jordan, magpapatuloy ang kampanya ng Pilipinas sa qualifiers sa kanilang susunod na laban kontra Iran sa SAgosto 30, 2026.














