Pinuri ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang kaniyang mga manlalaro matapos ang panalo nila kontra Jordan 82-81sa overtime game sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon kay Cone, na naging masaklap sa kanilang ang unang dalawang quarter ng laro dahil sa tinambakan sila ng Jordan na umabot sa 18 puntos.
Subalit hindi sila nawala ng pag-asa at binago nito ang ipinatupad na depensa sa laro.
Maging ang lineup ay kaniyang binalasa na mula sa mga matatangkad ay pinalitan nito ng medyo hindi gaanong matangkad na siyang nagpanalo sa Gilas Pilipinas.
Nagtulong-tulong ang mga manlalaro ng Gilas gaya nina Kevin Quiambao, CJ Perez at Kai Sotto para tuluyang talunin ang Jordan.
Umaasa si Cone na sa araw ng Linggo kung saan makakaharap nila ang Iran ay tiyak na mahaharap sila sa matinding hamon.














