DFA DATA

Lumobo pa sa 6,140 ang mga kumpirmadong Pilipino sa ibayong dagat na nahawaan ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa nasabing bilang, 2,794 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Pumalo naman sa 2,851 ang overseas Filipinos na gumaling sa virus o na-discharge na sa pagamutan.

Samantala, umakyat naman sa 495 ang bilang ng Pinoy abroad na binawian ng buhay dahil sa coronavirus.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na overseas Filipinos sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,944 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 937 confirmed COVID-19 positive cases na overseas Filipinos.

Nasa 685 naman ang kaso sa Americas at 574 sa Asia Pacific Region.