Matagumpay na nakapasok sa Top 10 ang labindalawang Cebu graduates sa inilabas na resulta ng September 2025 Psychometrician Licensure Examination.
Si Dandean Bernabe ang siyang nakakuha sa Topnotcher na may 90% rating na sinundan ni Angelica Lynn Apog sa rank 4 na may 88.80% rating, Peirre Anjun Gemelga sa rank 10 na may 87.60% rating at parehong nagtapos sa University of San Jose-Recoletos
Apat na graduates naman mula sa University of San Carlos ang nakapasok kabilang sina Anna Marie Jurill sa Rank 8 na may 88%, Rank 9 naman si Omar Seares sa 87.80% at parehong rank 10 naman sina Carla Arroyo Lin at Julian Nicole Pondang na may 87.60% rating
Tatlo sa Cebu Normal University na sina Clarise Angela Ortizano sa rank 7 na may 88.20 percent rate, Dan Raymond Laiera sa rank 8, at Shane Torino Taboada sa rank 10.
Habang si Randolph Edullantes ang nasa rank 4 na nagtapos sa Southwestern University at si Nicole Kelly Puspus mula sa Cebu Doctors University (CDU) ang nakakuha sa rank 9.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Cebu kay Bernabe, inihayag nito na magpa-hanggang sa ngayon ay gulat at hindi pa rin ito makapaniwala sa tagumpay na nakamit.
Bagama’t mulat sa hirap ay naging inspirasyon umano nito ang bawat pawis at sakripisyo na dinanas ng kanyang mga magulang upang suportahan ang kanyang pag-aaral hanggang sa makamit nito ang kanyang pangarap.
Ibinahagi pa ng 23-anyos na binata na ang kanyang “morning secret” tungo sa tagumpay ay ang araw-araw na taos-pusong dasal na gabayan ito sa bawat araw ng pagrereview hanggang sa araw ng exam na dininig ng langit.
Payo naman nito sa mga aspiring psychometrician na hindi man aniya madali ang landas na tatahakin, ngunit ang pukos, determinasyon, disiplina sa pag-aaral kasama ang pananalig at panalangin ay siyang mabisang pundasyon upang makamit ang pangarap na maging.