-- Advertisements --

Itinakbo sa pagamutan ang 12 empleyado ng postal office matapos nakaranas ng pagsusuka at pagkahilo na makalanghap ng masamang amoy mula sa isang package sa Germany.

Agad na nagresponde ang mga kapulisan at bumbero sa bayan ng Schweinfurt sa Bavarian, Germany at lumabas sa imbestigasyon na ang amoy ay galing sa prutas na durian na ipinadala.

Dahil sa pangyayari ay pinalabas at inilikas ang nasa 60 empleyado ng kumpanya.

Ang apat na Thailand durian fruits ay pinadala sa 50-anyos na residente na galing sa kaibigan nito sa Nuremberg.

Agad namang ipinasakamay ang pinadalang prutas sa may-ari ng package.

-- Advertisement --

Nauna rito noong 2018 ay hindi natuloy ang paglipad ng pampasaherong eroplano sa Indonesia dahil sa prutas na durian na dala ng isang pasahero.