-- Advertisements --
Nakarating na sa teritoryo ng Israel ang 12 panibagong bihag na pinalaya ng mga Hamas militants.
Ayon sa Israel Defense Forces na ito ay kinabibilangan ng 10 Israelis at dalawang Thailand nationals.
Kinilala ang mga dual citizens na Israelis na pinalaya na sina: Ditza Heiman, Tamar Metzger, Ada Sagi, Meirav Tal, Ofelia Roitman, Gabriela Leimberg, Mia Leimberg, Clara Merman, Rimon Kirsht, at Pinay na si Noralin “Nataly” Babadilla.
Ito na ang pang-limang batch na mga bihag na pinalaya ng mga Hamas militants.
Kapalit naman nito ay ang pagpapalaya sa 30 Palestino na pinalaya ng Israel mula sa kanilang pagkakakulong sa iba’t-ibang prison facilities ng Israel.
















