Nagtala ng panibagong 11 kaso ng mga Filipino na nasa ibang bansa na nadapuan ng COVID-19.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) umaabot na ngayon ang bilang sa 11,676 ang kabuuang dinapuan ng nasabing virus.

Mayroon ding siyam na bagong kaso ng nasawi matapos dapuan ng virus.

Nasa 3,334 na Filipino na nasa ibang bansa ang nagpapagaling kung saan 7,497 naman ang gumaling na at mayroong 845 na ang nasawi.

Nanguna ang Middle East at Africa sa may pinakamaraming bilang na mayroong 2,327 na sinundan ng Asia Pacific na mayroong 590 at mayroong 286 sa Europa.