Nadagdagan pa ng 109 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa nakalipas na magdamag.

Pawang nagmula sa Mainland China ang mga namatay.

-- Advertisement --

Dahil dito, umakyat na sa 2,360 ang mga nasawi sa buong mundo dahil sa nasabing virus.

Habang ang kabuuang record ng mga infected ng sakit ay 77,673.

Sa nasabing mga biktima 12,071 o 22 percent ang mga nasa kritikal pa rin ang kondisyon, habang may 20,895 na naka-recover.