Inanunsiyo ng national oil giant na China National Offshore Oil Corporation (CNOOC) na nadiskubre nito ang 100 million tonelada ng oil reserve sa silangang bahagi ng pinagtatalunang karagatan nitong Biyernes.
Nadiskubre ang bagong reserbang langis sa may Kaiping South Oilfield, 300 kilometers ng baybayin ng Guangdong province sa katimugang bahagi ng China. Ang lalim ng dagat sa oilfield ay nasa average na 500 meters at ang hinukay na butas ay 4,831 meters ang lalim
Sa pamamagitan ng oil exploration, umabot ang volume ng oil reserve ng Kaiping South Oilfield sa 102 million tonelada na katumbas ng langis.
Sinuri ito para makapag-produce ng tinatayang 7,680 bariles ng krudo at 0.52 million cubic feet ng natural gas kada araw.
Ayon kay Xu Changgui, deputy chief exploration officer ng naturang kompaniya ang Kaiping South Oilfied ay ang kauna-unahang deep-water at deep-play oilfield ng China na napatunayang naglalaman ng mahigit 100 million tonelada ng langis
Sinabi naman ng CEO at presidente ng kompaniya na si Zhou Xinhua na nananatiling committed ito sa oil at gas resources exploration and dvelopment sa disputed waters para sa patuloy na pagpapalakas ng energy supply capacity ng China.
Target ng kompaniya na makapag-produce ng 700 hanggang 720 million bariles na katumbas ng langis ngayong 2024 kung saan 69% ay magmumula sa China at ang nalalabi ay mula sa overseas operations nito.